One-Two-Ow-Ten
November 26, 2006 / Maple-Leaf Apt, Umali Subdivision, Los Banos, Laguna
Nang tayo’y magpanagpo
Sa Men’s Dorm ng ating mga ninuno
Kawalang malay’ alintana
Mga mukhang laging tulala
Sa hallway’ nagkakasalubong
Usapan sa bawat kwarrto’y umuugong
Minsan sa veranda ika’y mapaupo
Tumunganga hanggang sa laway ay tumulo
Nasanay na ako ng ganito
Sa dorm na napapaligiran ng puno
Na sa weekends ay walang tao
Maliban sa aming taga malayo
Nang muli ako ay umungkot
May bumati sa aking simangot
Sila’y dumami pa
Hanggang sa ang veranda’y mapuno na
Sina Rowell, Roy, JP at Emman
Paul, Janno, Manx at Dann
Pati na sina Ace, Eddan, Melvin at Orlan
At magagandang sina Lorbe, Ruth at Dianne
Panahon ay lumipas
Kabataan slightly ay kumupas
Veranda’t nawalan ng ingay
Mga Freshma’y natanagay
Unang uno at singko’y natamo
Hindi naging dahilan upang magdamo
Sa halip, sa Maple-Leaf tumungo
Na ngayo’y Mavina nang bano
Ang panunuod ng Incredibles
At nag pag-akyat sa krus
Nagtungo sa IRRI at ngumuya
Nagpuyat sa Barracks upang mag-dota
Ngayon nga’y magkakalayo na
Landas ay mag iiba-iba na
May mga graduating
Ngunit karamiha’y still waiting
Anupaman ang mangyari
Sa samahang saki’y nagdulot ng ngiti
Barkadang sa Room1205 nagsimula
Mananatiling buhay hindi lang sa alaala
No comments:
Post a Comment