Thursday, June 1, 2006

Bakasyon

June 2, 2006 / San Jose Occidental Mindoro

Kaytagal ko ring hinintay

Pagpapahinga ng aking malay

Sa mga gawaing saki’y umabala

O kay sarap talaga

 

Mga kaibigang matagal ding hindi nakita

Kwentuhang malakas sa may bintana

Tawanang sa problema’y lusot

Dahilan upang mapautot

 

Mga gimik na puro imik

Trip na sa iba’y nakakabadtrip

Kantahang walang patid

Na sa umaga’y nakakapagal ng litid

 

Sina nanay at tatay

At mga kamag-anak na naghihintay

Muli na namang ngumiti

At ngayo’y panahon uli ng paghikbi

 

Ngayon ay tapos na nga

Panahon ng pagtunganga

Muli nanamang babalik

At sa mga libro’y hahalik

Pag-ibig

June 2, 2006 / San Jose Occidental Mindoro

Masaya?

…oo naman

…kaya’t gagawin lahat ng paraan

…talaga namang ipaglalaban

 

Naranasan mo na?

…maraming beses na

…ngunit talagang di ako madala

…tama na lamang na maging ala-ala

 

Bakit?

…ako lang nag umibig

…puro sila kabig

…ganun daw talaga ang umiibig

 

Talaga?

…oo, yung tipong mukha ka ng ulaga

…naghihinty sa konting aruga

…doon sa taong walang maibigay kundi luha

 

Uulitin mo pa?

…ewan, baka

…hindi naman natatapos ang buhay sa minsang pagluha

…pasasaan ba’t makikita ko rin ang aking pangga