Wednesday, May 31, 2006

Tao

June 1, 2006 / San Jose Occidental Mindoro

Nillalang na sadyang mahiwaga

Ikaw nga ang gumagawa ng iyong tadhana

Anu nga ba ang iyong saysay…

Sa mundong likas ng makulay?

 

Diyos ang lumikha sa’yo

Obrang kung tawagin ay tao

Buhay ay sadyang matarik

Daana’y talaga namang maputik

 

Marami kang puwedeng tahakin

Bagay na maaaring angkinin

Ngunit ito ba ang solusyon…

Sa tanong na iyong sinusuong?

 

Tumingin ka lamang sa taas

At tiyak kang maliligtas

Ang Diyos na lumikha sa’yo

Ang tanging dahilan ng buhay mo!

No comments:

Post a Comment