Elbi
June 1, 2006 / San Jose Occidental Mindoro
Nang ikaw ay matanaw
Ng aking mga matang malilinaw
Paghanga ang nadama
Pagnanasang makapiling ka
Si obleng hubad
Ang lorong sa pagsasalita’y babad
Samahan mo pa ng diwata ng kalikasan
Ayan at iyo ng tunghayan
Unibersidad na bantog
Panagalan mo’y nagpapalaki ng aking itlog
Aking pagkatao’y iyong hinubog
Kaya’t ako’y nagkaroon ng matibay na muog
Mga kaibiga’y sayo’y nakilala
Mga aral na nakatala
Sa puso’t isipan
Ng mga taong mahilig sa palaisipan
Pag-ibig ko sayo’y di magmamaliw
Karanaglang dala-dala’y ipagyayabang
Mga aral mo’y isasabuhay
Tagumpay ko sayo’y iaalay
No comments:
Post a Comment